Pumunta na sa main content

Tungkol sa Booking.com™

Itinatag noong 1996 sa Amsterdam, nagsimula ang Booking.com na isang maliit na Dutch start-up at ngayon ay isa na sa mga nangungunang digital travel company sa mundo. Bahagi ng Booking Holdings Inc. (NASDAQ: BKNG), ang misyon ng Booking.com ay gawing madali para sa lahat na ma-experience ang mundo.

Sa pag-invest sa technology na nakakatulong para maiwasan ang hirap sa pagta-travel, iniuugnay ng Booking.com ang milyun-milyong mga traveler sa mga 'di malilimutang experience, mapagpipiliang transportation options at magagandang accommodation - mula sa mga bahay hanggang sa mga hotel at marami pang iba. Bilang isa sa pinakamalalaking travel marketplace sa mundo para sa mga established brand at sa mga business na iba't iba ang laki, tinutulungan ng Booking.com ang mga property sa buong mundo na maabot ang isang global audience at mapalago ang kanilang mga business.

Available ang Booking.com sa 43 wika at nag-aalok ng 28 milyon na total na reported accommodation listings, kabilang ang mahigit sa 6.2 milyong listing ng mga bahay, apartment, at iba pang natatanging accommodation. Saan mo man gustong pumunta o anuman ang gusto mong gawin, gagawin itong madali ng Booking.com at matutulungan ka rin ng 24/7 customer support.

Ang Booking.com B.V. ay matatagpuan sa Amsterdam, Netherlands at sinusuportahan ng 198 opisina sa mahigit 70 bansa sa buong mundo: Accra - Amman - Amsterdam - Antalya - Athens - Atlanta - Auckland - Bangalore - Bangkok - Barcelona - Beijing - Berlin - Bilbao - Bogotá - Bolzano - Bordeaux - Boston - Bratislava - Brisbane - Bristol - Brussels - Bucharest - Budapest - Buenos Aires - Cairo - Calgary - Cambridge - Cancún - Cape Town - Casablanca - Catania - Chengdu - Chicago - Colombo - Copenhagen - Dallas - Denver - Dubai - Dublin - Dubrovnik - Dusseldorf - Edinburgh - Faro - Florence - Frankfurt am Main - Freiburg im Breisgau - Fukuoka - Grand Rapids - Guadalajara - Guangzhou - Haikou - Hamburg - Hanoi - Helsinki - Heraklion - Ho Chi Minh City - Hong Kong - Honolulu - Houston - Innsbruck - Istanbul - İzmir - Jakarta - Jeddah - Jeju - Johannesburg - Kiev - Koh Samui - Krakow - Kuala Lumpur - Kuta (Bali) - Las Palmas de Gran Canaria - Las Vegas - Lille - Lima - Limassol - Lisbon - Ljubljana - London - Los Angeles - Lyon - Madrid - Málaga - Manchester - Maynila - Marrakech - Melbourne - Mexico City - Miami - Milan - Montpellier - Montréal - Moscow - Mumbai - Munich - Naha - Nairobi - Natal - New Delhi - New Orleans - New York - Nice - Norwalk - Orlando - Osaka - Oslo - Palma de Mallorca - Panama City - Paris - Phoenix - Phuket - Porto Alegre - Prague - Qingdao - Rennes - Reykjavík - Riga - Rimini - Rio de Janeiro - Rome - Saint Petersburg - Sallanches - Salzburg - San Diego - San Francisco - San Jose - San Juan - Santiago - Santo Domingo - São Paulo - Sapporo - Seattle - Seoul - Seville - Shanghai - Siem Reap - Singapore - Sochi - Sofia - Sorrento - Split - Stockholm - Strasbourg - Sydney - Taipei - Tallinn - Tbilisi - Tel Aviv - Thessaloníki - Tokyo - Toronto - Trabzon - Vancouver - Venice - Verona - Vienna - Vilnius - Warsaw - Washington - Xi'an - Yangon - Yogyakarta - Zagreb - Zurich.

Ang Booking.com B.V. ay nakarehistro sa trade register ng Konseho ng Kalakalan (Chamber of Commerce) sa Amsterdam, the Netherlands sa ilalim ng registration number 31047344. Ang VAT registration number ay NL805734958B01. Ang registration number na kasama sa Dutch Data Protection Authority ay 1288246.

Ano ang maibibigay ng Booking.com

Magandang pagpipilian
Naka-stay ka man sa isang sosyal na city apartment, o isang magarbong beach resort, o kumportableng B&B sa may countryside, bibigyan ka ng Booking.com ng napakalawak at iba't ibang uri ng accommodation - sa iisang lugar lang.

Mababang rates
Ginagarantiya ng Booking.com na maibibigay sa 'yo ang best available rates. At dahil may price match guarantee kami, makakasiguro ka na makukuha mo lagi ang pinakamagandang deal.

Mabilis na confirmation
Instant ang confirmation ng bawat reservation sa Booking.com. Kapag nakita mo na ang accommodation na gusto mo, ilang click na lang ang kailangan mo.

Walang reservation fee
Wala kaming sinisingil na booking fee o dinadagdag na kahit anong administrative charges. At sa napakaraming pagkakataon, puwedeng ma-cancel nang libre ang booking mo.

Secure ang booking
Libu-libong transaction ang mina-manage namin araw-araw gamit ang aming secure platform, at ginagawa namin ang lahat para masigurado ang privacy mo. Para sa iba pang detalye, tingnan ang aming Privacy Statement.

24/7 na support
Kahit na kaka-book mo pa lang o ini-enjoy na ang iyong trip, palaging nakaantabay ang aming customer experience team para sagutin ang mga tanong mo at suportahan ka sa mahigit 40 na wika. Siguruhin lang na tingnan ang aming FAQ para sa travelers.

Maghatid ng business sa aming accommodation partners

Sa Booking.com, naniniwala kami na lahat ng magagandang accommodation ay dapat na mapansin. Kaya naman ginawa naming mas mabilis at madali para sa accommodation providers sa buong mundo na i-market ang kanilang property, makahanap ng bagong guests, at palaguin pa ang kanilang business gamit ang aming platform.

Para sa ibang impormasyon at pagpapalista ng accommodation mo sa Booking.com, tingnan ang aming Accommodation Partner Program.