In-update noong Pebrero 14, 2022
1A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Accommodation, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 1B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Herengracht 597, 1017 CE, Amsterdam, the Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
1B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa maraming hotel, property owner, at ibang Service Provider.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider (maliban na lang kung iba ang nakasaad).
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras, pero sa katotohanan ay maaaring magtagal ng ilang oras para mag-update, halimbawa, ng mga text description at listahan ng facilities na ibinibigay ng mga Accommodation.
1C. Sino ang mga katrabaho namin?
Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
Hindi kami mismo ang nagmamay-ari ng anumang Accommodation — magkakahiwalay na kumpanya kami na sumang-ayon na magtrabaho kasama ang isa't isa sa partikular na paraan.
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Accommodation ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
1D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service. Kapag natapos na ang stay mo, babayaran lang kami ng Service Provider ng commission.
At hindi ka namin icha-charge ng anumang booking fee.
1E. Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng Accommodation (mga hotel, apartment, atbp.) na tumutugma sa hinahanap mo. Kung gusto mo, puwede kang gumamit ng mga filter para bawasan ang mga resulta mo.
Para makita ang lahat ng booking option na inaalok ng isang Accommodation, i-click lang ito.
Sa unang beses na makikita mo ang search results mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Aming top picks”:
* Sa ngayon, maga-apply lang ang ranking factor na ito sa mga Accommodation sa US na na-book ng mga customer na nasa US.
Kung gusto mo, puwede mong ayusin ang mga resulta mo sa maraming ibang paraan, tulad ng:
* Tingnan ang “Mga star rating, review score, at quality rating” (1J) sa ibaba.
At anumang option sa pag-sort ang piliin mo, maaari pa ring maimpluwensiyahan ang mga bagay ng factors na inilarawan namin sa “Aming top picks”. Halimbawa, maaaring maging "tiebreaker" ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang Accommodation na lalabas sa parehong spot kung wala ito.
1F. Mga review
Ang bawat review score ay mula 1–10. Para makuha ang kabuuang score na nakikita mo, dinadagdag lang namin ang lahat ng review score na natanggap namin at hinahati ang kabuuan ayon sa bilang ng review score na natanggap namin. Dagdag pa rito, puwede ring magbigay ang mga guest ng mga hiwalay na “subscore” sa mahahalagang area, tulad ng: lokasyon, kalinisan, staff, ginhawa, facilities, pagkasulit, at libreng WiFi. Tandaan na hiwalay ipinapasa ng mga guest ang kanilang mga subscore at kabuuang score, kaya walang direktang link sa mga ito.
Puwede mong i-review ang isang Accommodation na na-book mo sa pamamagitan ng aming Platform kung nag-stay ka roon.
Ipinapakita namin ang ilang review score mula sa ibang kilalang travel websites. Gagawin namin itong malinaw kapag ginawa namin.
Kung maaari, ipa-publish namin ang bawat consumer review na matatanggap namin, positibo o negatibo man. Gayunpaman, hindi namin ipapakita ang anumang review na may kasama o may binabanggit na (kasama ng iba pang bagay):
Para siguraduhing may kaugnayan ang mga review, maaari lang naming tanggapin ang mga review na ipinasa sa loob ng 3 buwan mula sa pag-check out, at maaari naming itigil ang pagpapakita ng mga review kapag nagtagal na ang mga ito nang 36 buwan — o kung nagkaroon ng pagpapalit ng may-ari ang Accommodation.
Maaaring sumagot ang Accommodation sa review kung gugustuhin nito.
Kapag nakakita ka ng maraming review, nasa itaas ang mga pinakabago, nang napapailalim sa ilang iba pang factor (kung ano ang wika ng review, kung rating lang ito o may mga comment din, at iba pa). Kung gusto mo, puwede mong ayusin at/o i-filter ang mga ito (ayon sa panahon ng taon, review score, atbp.).
1G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa Platform namin ay na-set ng mga Service Provider. Maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sariling naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang iba pang charge at tax na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider, ang uri ng kuwarto na pinili, at ang bilang ng mga guest. Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang tax at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng mga paglalarawan ng anumang equipment at facilities na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang extrang gastos para rito, kung mayroon.
1H. Payments
May tatlong paraan na maaari mong gamitin para magbayad ng Booking mo:
Kung mag-cancel ka ng Booking o hindi ka magpakita, magiging depende sa cancellation/no-show policy ng Service Provider ang anumang cancellation/no-show fee at refund.
1I. Uri ng host
Hinihiling namin sa mga Service Provider, nasaan man sila sa mundo, na sabihin sa amin kung kumikilos sila bilang “private host” o bilang “professional host”, ayon sa tinukoy ng EU law.
Iniaatas ng EU consumer law na kailangan naming sabihin ito sa ‘yo. Kung nasa European Economic Area (EEA), Switzerland o United Kingdom ka, maaaring makita mo na ang ilang Accommodation sa aming search results ay mayroong label na “mina-manage ng private host”, at description ng kung ano ang ibig sabihin noon. Ang lahat ng ibang Accommodation, sa hangganan ng aming kaalaman, ay mina-manage ng mga “professional host”.
Walang kaugnayan ang label na ito sa tax, kabilang ang VAT, at iba pang “indirect tax” na kaugnay ng added value, sales, o consumption.
1J. Mga star rating, review score, at quality rating
Hindi kami nagtatakda ng mga star rating. Depende sa local regulations, itinatakda ang mga ito (a) ng mga Service Provider mismo o (b) ng mga independent na third party (halimbawa: mga organisasyong nagbibigay ng rating sa mga hotel). Sa parehong sitwasyon, ipinapakita ng mga star rating kung kamusta ang mga Accommodation pagdating sa — kasama ng iba pa — value, facilities, at available na service. Hindi namin iginigiit ang aming sariling mga pamantayan para sa mga star rating, at hindi namin nire-review ang mga star rating na ito, pero kapag nalaman namin na hindi accurate ang star rating, hihilingin namin sa Service Provider na patunayan na karapat-dapat sila rito o ia-adjust ito.
Ano ang itsura ng star rating: 1–5 na dilaw na star sa tabi ng pangalan ng property.
Hindi kami nagtatakda ng mga review score. Ang mga customer namin ang gumagawa nito. Tingnan ang “Mga review” (1F) sa itaas.
Ano ang itsura ng review score: asul na square na may puting numero sa loob (1–10).
Nagtatakda kami ng mga quality rating. Para matulungan ang mga customer na mahanap ang tamang Accommodation para sa kanila, nagtatakda kami ng mga quality rating sa ilang Accommodation sa aming Platform. Ang bawat rating ay batay sa 400+ na feature, na mahahati sa limang major na category:
Ginagamit namin ang mga feature na ito para malaman ang mga statistical pattern, at nagsasagawa kami ng analysis gamit ang machine learning. Automatic itong nagka-calculate ng quality rating na mula 1 hanggang 5.
Ano ang itsura ng quality rating: 1–5 na dilaw na square sa tabi ng pangalan ng property.
1K. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, makipag-ugnayan lang sa amin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang kapaki-pakinabang na FAQs). Tinutugunan namin ang mga reklamo sa lalong madaling panahon, at itinuturing namin bilang may pinakamataas na priority ang mga pinaka-urgent, at inaayos namin ang 65% ng mga reklamo sa loob ng 24 na oras — at 85% sa loob ng 14 working days.
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
Anuman ang issue, susubukan ka naming suportahan (kung saan kabilang ang pagtugon sa anumang request o reklamo), at gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
1L. Overbooking
Kapag na-confirm na ang Booking mo, kailangang sundin ito ng iyong Service Provider. Kung “overbooked” ang Service Provider, responsable sila para sa paghahanap ng solusyon sa lalong madaling panahon — pero binibigyan namin sila ng mga guideline, pati praktikal na tulong.
Sa hindi inaasahang pagkakataon na hindi nila mabigay sa ‘yo ang option na na-book mo at hindi sila makapag-alok sa ‘yo ng bagay na alternative, puwede kang pumili ng alternative accommodation sa katulad na category o mas maganda sa aming Platform na pareho ang halaga (kung available), o puwede mong i-cancel ang iyong Booking nang walang gastos (na may refund ng anumang binayad mo).
Pagdating sa mga refund...
Sa anumang pagkakataon, kung mag-stay ka sa alternative accommodation, ipadala sa amin ang invoice mo para maproseso namin ang anumang refund na dapat ibayad sa ‘yo.
2A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Attraction, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 2B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Herengracht 597, 1017 CE, Amsterdam, the Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
2B. Paano gumagana ang service namin?
Nagbibigay kami ng lugar para maghanap at mag-book ka ng mga Attraction service.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider — o sa kumpanya na kumikilos bilang intermediary/reseller.
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
2C. Sino ang mga katrabaho namin?
May contractual relationships kami sa iba't ibang Third-Party Aggregator Ang mga Service Provider lang na may direktang ugnayan sa kanila ang ipapakita sa aming Platform.
Sa ilang pagkakataon, kumikilos ang mga Third-Party Aggregator na iyon bilang mga intermediary sa mga Service Provider — at sa ilang pagkakataon, bumibili sila ng mga Attraction service at ibinebentang muli ang mga ito.
Maaaring parehong nag-aalok din ang Service Providers at Third-Party Aggregator ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi inaalok ng mga Third-Party Aggregator ang lahat sa aming Platform).
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Attraction ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
2D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service — kapag gumawa ka ng Booking, binabayaran lang kami ng Third-Party Aggregator ng commission.
At hindi kami nagcha-charge ng anumang booking fee.
2E. Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng Attraction service na tumutugma sa hinahanap mo.
Puwede mong ayusin (o “isaayos”) ang mga resulta mo sa iba't ibang paraan — halimbawa:
Anumang option sa pag-sort ang piliin mo, mababawasan mo ang mga resulta gamit ang mga filter — tulad ng:
2F. Mga review
Pagkatapos ng visit mo, makakakuha ka ng email na humihiling sa iyong bigyan ito ng thumbs up/thumbs down — at nag-iimbita sa iyong magpasa ng review.
Kapag nasa page ka ng “Attraction” sa aming Platform (ang susunod na page pagkatapos ng Search Results), makikita mo ang feedback (kung mayroon man) na natanggap namin mula sa ibang customer:
2G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang tax at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
2H. Payments
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
2I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, makipag-ugnayan lang sa amin. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang kapaki-pakinabang na FAQs).
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
Anuman ang issue, susubukan ka naming suportahan (kung saan kabilang ang pagtugon sa anumang request o reklamo), at gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
3A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Rental, nagbibigay at responsable ang Booking.com Transport Limited para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 3B sa ibaba). Ang Booking.com Transport Limited ay company na naka-register sa England at Wales (company number: 05179829, registered office: 100 New Bridge Street, London, EC4V 6JA).
3B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa maraming iba't ibang car rental company. Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Rental ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
Kapag nag-book ka ng sasakyan mo, pumapasok ka sa kontrata kasama namin: sumasang-ayon kaming asikasuhin at i-manage* ang Booking mo.
Kapag pumirma ka ng iyong Rental Agreement sa counter, pumapasok ka sa isang kontrata kasama ng rental company: sumasang-ayon silang ibigay ang sasakyan. Sa puntong ito, nakita at tinanggap mo na ang lahat ng mahalagang terms (habang binu-book mo ang sasakyan).
* Narito kami para sa ‘yo kung kailangan mong baguhin o i-cancel ang Booking mo, o kung may anumang tanong ka — bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng iyong Rental.
3C. Sino ang mga katrabaho namin?
Pinagkakatiwalaang partner ang bawat rental company sa aming Platform, na pumasa sa lahat ng aming test bago kami nagsimulang magtrabaho kasama nila. Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Gayunpaman, maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
May specialist team pa nga kami na bumibisita sa mga rental company bago sila lumabas sa aming Platform.
Professional trader ang lahat ng Service Provider sa aming Platform.
3D. Paano kami kumikita ng pera?
Kumikita kami ng pera kapag nahanap namin ang tamang Rental para sa ‘yo. May dalawang paraan kung paano namin ginagawa ito:
Sa parehong sitwasyon, nag-aalok kami sa mga customer ng maraming pagpipilian na competitive ang mga presyo. Dagdag pa, libre ang aming Platform para gamitin mo.
3E. Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng car rental Booking na tumutugma sa hinahanap mo.
Sa unang beses na makikita mo ang search results mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Nirerekomenda”:
Kung gusto mo, puwede mong ayusin ang mga resulta mo sa ibang paraan, tulad ng:
Kung piliin mo ang “Presyo (unahin ang pinakamababa)” o “Rating”, maiimpluwensiyahan pa rin ng factors ang mga bagay na inilarawan sa “Nirerekomenda”. Halimbawa, maaaring maging "tiebreaker" ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang Booking na lalabas sa parehong spot kung wala ito.
At anumang option sa pag-sort ang piliin mo, magagamit mo ang mga filter para mabawasan ang mga resulta mo.
* Kung makita namin na hindi masaya ang mga customer namin sa isang rental company o kung hindi natutugunan ng anumang kumpanya ang aming mga mataas na pamantayan, maaaring umaksyon kami. Kahit na dating napakaganda ng mga rating nito, maaaring bumaba sa listahan ang kumpanyang iyon... o maaaring ganap na tanggalin ito mula sa aming site. Bukod doon, ang dahilan lang para hindi namin isama ang anumang resulta ay kapag alam naming sold out ito.
3F. Mga review
Pagkatapos ng Rental mo, hihilingin sa iyong mag-iwan ng review, na maaaring:
Kung maaari, ipa-publish namin ang bawat consumer review na matatanggap namin, positibo o negatibo man. Gayunpaman, hindi namin ipapakita ang anumang review na may kasama o may binabanggit na (kasama ng iba pang bagay):
* Hindi namin gagamitin ang buong pangalan mo o address.
** Para tulungang mapabuti ang rental company, kakailanganin naming sabihin sa kanila kung tungkol sa aling Rental ang review.
3G. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set namin o ng mga Service Provider — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider, lokasyon ng pick-up, o kung ano ang pinaplano mong gawin sa iyong Rental. Sinasabi sa ‘yo ng price description kung ano ang mga tax (kung mayroon man) na kasama. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
3H. Payments
Kapag nag-book ka ng Rental sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
3I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, Makipag-ugnayan lang sa amin. Kung tungkol ito sa isang bagay na nangyari sa panahon ng Rental mo, matutulungan ka namin nang mas mabilis kung ibigay mo ang:
Kung gagawin mo iyon, makikipag-ugnayan sa ‘yo ang isa sa aming agent sa lalong madaling panahon. Maaaring kailanganin ka nilang tanungin ng iba pang detalye.
Anuman ang issue, susubukan ka naming suportahan (kung saan kabilang ang pagtugon sa anumang request o reklamo), at gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
4A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng Flight, nagbibigay at responsable ang Booking.com B.V. para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 4B sa ibaba). Ang Booking.com B.V. ay company na kasama sa ilalim ng mga batas ng Netherlands (registered address: Herengracht 597, 1017 CE, Amsterdam, the Netherlands; Chamber of Commerce number: 31047344; VAT number: NL805734958B01).
4B. Paano gumagana ang service namin?
Nagbibigay kami ng lugar para maghanap at mag-book ka ng mga Flight.
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, pumapasok ka sa kontrata kasama ng Service Provider at ng Third-Party Aggregator.
Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
4C. Sino ang mga katrabaho namin?
May contractual relationships kami sa iba't ibang Third-Party Aggregator, na kumikilos bilang mga intermediary sa mga Service Provider. Ang mga Service Provider lang na may direktang ugnayan sa kanila ang ipapakita sa aming Platform.
Maaaring parehong nag-aalok din ang Service Providers at Third-Party Aggregator ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
Sinasabi sa ‘yo ng aming Platform kung gaano karaming Flight ang puwede mong i-book sa amin sa buong mundo — at ipinapakita ng aming search results page kung gaano karami sa mga ito ang maaaring tama para sa ‘yo, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
4D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service. Kapag nag-book ang mga tao ng Flights sa aming Platform, babayaran kami ng Third-Party Aggregator ng commission.
At hindi kami nagcha-charge ng anumang booking fee.
4E. Ang aming mga default na option sa ranking at sorting
Ipinapakita ng aming search results ang lahat ng Flight na tumutugma sa hinahanap mo.
Sa unang beses na makikita mo ang search results mo, nakaayos (“inayos”) ang mga ito ayon sa “Best”:
Kung gusto mo, puwede mong ayusin ang mga resulta mo sa ibang paraan:
Kung piliin mo ang “Pinakamura” o “Pinakamabilis”, maiimpluwensiyahan pa rin ng mga factor na inilarawan sa “Best” ang mga resulta. Halimbawa, maaaring maging "tiebreaker" ang mga factor na iyon ng dalawa o higit pang Flight na lalabas sa parehong spot kung wala ito.
Anumang option sa pag-sort ang piliin mo, mababawasan mo ang mga resulta gamit ang mga filter — tulad ng:
4F. Mga Presyo
Ang mga rate na ipinapakita sa aming Platform ay na-set ng mga Service Provider at/o Third-Party Aggregator — pero maaaring i-finance namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang ibang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang extra, insurance, o tax). Sinasabi sa ‘yo ng price description kung kasama o hindi ang anumang fee at charge. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Nagbibigay ang aming Platform ng description ng anumang equipment na inaalok ng mga Service Provider (batay sa kung ano ang sinabi nila sa amin). Sinasabi rin nito sa ‘yo kung magkano ang gastos para sa mga ito.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
4G. Payments
Kapag gumawa ka ng Booking sa aming Platform, maaaring asikasuhin namin o ng Third-Party Aggregator ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
4H. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Kapag gumawa ka na ng Booking, makipag-ugnayan lang sa amin kung mayroon kang anumang tanong o may hindi mangyari ayon sa plano. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pag-access sa iyong Booking, o sa pamamagitan ng aming app, o sa pamamagitan ng aming Help Center (kung saan mahahanap mo rin ang ilang kapaki-pakinabang na FAQs).
Matutulungan mo kaming matulungan ka sa lalong madaling panahon — sa pamamagitan ng pagbigay ng:
Anuman ang issue, susubukan ka naming tulungan (kabilang ang pagtugon sa anumang request o reklamo) at gagawin namin ang makakaya namin para tulungan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.
5A. Mga kahulugan at Kung sino kami
Ang ilang salitang makikita mo ay may mga napakapartikular na kahulugan, kaya tingnan ang “dictionary ng Booking.com” sa aming Terms ng Service.
Kapag nag-book ka ng transportation service, nagbibigay at responsable ang Booking.com Transport Limited para sa Platform — pero hindi para sa Travel Experience mismo (tingnan ang 5B sa ibaba). Ang Booking.com Transport Limited ay company na naka-register sa England at Wales (company number: 05179829, registered office: 100 New Bridge Street, London, EC4V 6JA).
5B. Paano gumagana ang service namin?
Ginagawa naming madali para sa ‘yo na magkumpara ng mga Booking mula sa mga public at private na ground transportation provider. Kapag naghanap ka, ifi-filter namin ang mga resulta para makita mo lang ang mga pinakabagay na sasakyan sa bawat category, batay sa kung anong sinabi mo sa amin.
Mga independent na kumpanya ang mga ito: hindi namin sila pag-aari, at hindi namin kinokontrol ang mga service na binu-book mo sa aming Platform. Ang impormasyon sa aming Platform ay batay sa kung ano ang sinasabi sa amin ng mga Service Provider. Ginagawa namin ang lahat ng makakaya namin para panatilihing updated ang mga bagay sa lahat ng oras.
At narito kami para magbigay ng anumang tulong o suporta na makakaya namin: bago, sa panahon ng, o pagkatapos ng iyong trip.
5C. Sino ang mga katrabaho namin?
Nakikipag-partner kami sa higit 1,000 na pinagkakatiwalaang provider ng transportation sa higit 800 lokasyon.
Hindi kami nagsisimulang magtrabaho kasama ng isang kumpanya hanggang matapos naming masuri nang maigi ang kanilang fleet (para sa kalidad at dami) at na-check ang kanilang mga standard sa customer service. Kapag pumasa na sila sa lahat ng aming test, nagsasagawa kami ng mga regular na check para siguraduhing patuloy nilang natutugunan ang aming mga mataas na standard. Ang mga Service Provider lang na may contractual relationship sa amin ang ipapakita sa aming Platform. Gayunpaman, maaaring nag-aalok din sila ng mga Travel Experience sa labas ng aming Platform (kaya maaaring hindi nila inaalok ang lahat sa aming Platform).
Professional trader ang lahat ng Service Provider sa aming Platform.
Siya nga pala, marami sa amin sa Booking.com ang gumagamit ng mga transportation provider na ito kapag bumabiyahe kami... na nagpapakita kung ano ang pakiramdam namin tungkol sa mga service ng aming partners.
5D. Paano kami kumikita ng pera?
Hindi kami bumibili o nagbebenta (muli) ng anumang produkto o service — kapag gumawa ka ng Booking, nakikipagkasundo kami ng commission sa transport providers para sa aming mga service.
At hindi kami nagcha-charge ng anumang booking fee.
5E. Ang default ranking namin
Kapag naghanap ka sa aming Platform, ipinapakita namin ang mga pinakabagay na option sa itaas ng page. Ibig sabihin:
* Kung makita naming hindi masaya ang mga customer namin sa isang kumpanya o kung hindi natutugunan ng anumang kumpanya ang aming mga mataas na standard, maaaring umaksyon kami. Gaano man kaganda ang mga rating nito dati, ganap na hindi lalabas ang kumpanyang iyon sa aming mga resulta hanggang maimbestigahan namin ang issue at masaya kami sa pagkaayos nito. Bukod doon, ang dahilan lang para hindi namin isama ang anumang resulta ay kapag alam naming sold out ito.
5F. Mga review
Pagkatapos ng Biyahe mo, hihilingin sa iyong mag-iwan ng review, na maaaring:
Maaaring i-edit, tanggihan, o tanggalin namin ang anumang review na may kasama o binabanggit na:
* Hindi namin gagamitin ang buong pangalan mo o address.
** Para matulungan ang Service Provider na bumuti, kakailanganin naming sabihin sa kanila kung tungkol sa aling Biyahe ang review.
5G. Mga Presyo
Ang presyo ng bawat Booking sa Platform namin ay binubuo ng (a) ang base rate na na-set ng Service Provider at (b) ang commission namin, na pinagkasunduan namin kasama ng Service Provider. Maaaring i-finance rin namin ang mga reward o iba pang benefit mula sa sarili naming bulsa.
Kapag gumawa ka ng Booking, sumasang-ayon kang bayaran ang halaga ng Travel Experience mismo at anumang iba pang charge na maaaring mag-apply (halimbawa: para sa anumang toll o waiting fee). Maaaring mag-iba ang taxes at fees para sa iba't ibang dahilan, tulad ng lokasyon ng Service Provider. Kasama sa lahat ng presyo ang anumang tax at charge na naga-apply. Makakahanap ka ng iba pang impormasyon tungkol sa presyo habang nagbu-book ka.
Ang currency conversion ay para sa pagbibigay ng impormasyon lang; maaaring iba ang mga actual rate.
5H. Payments
Kapag nag-book ka ng bus, train, o Private Transportation sa aming Platform, aasikasuhin ng Booking.com ang payment mo. Para sa mga detalye, tingnan ang “Payment” (A7) sa aming Terms ng Service.
5I. Tulong at abiso — kung may mangyaring hindi inaasahan
Anuman ang issue, susubukan ka naming suportahan (kung saan kabilang ang pagtugon sa anumang request o reklamo), at gagawin namin ang aming makakaya para matulungan ka.
Kaya kung mayroon kang anumang tanong, o may hindi mangyari ayon sa plano, Makipag-ugnayan sa amin. Kung tungkol ito sa isang bagay na nangyari sa Biyahe mo, pakibigay ang iyong Booking reference number, at contact details mo. Isinasaayos namin ang karamihan ng mga issue sa loob ng 14 araw — at matutulungan mo kaming pabilisin ang mga bagay sa pamamagitan ng pagbigay ng anumang may kaugnayang dokumento o ibang impormasyon sa unang beses na makipag-ugnayan ka.
Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang “Paano kung magkaproblema?” (A15) at “Naaangkop na batas at forum” (A19) sa aming Terms ng Service.