Pumunta na sa main content

Rewards FAQ

    • Paano ko makukuha ang reward ko?

      Kung ilalagay sa credit card ang reward mo:

      Kailangan mo lang ng Booking.com account, at magdagdag ng credit card mo para sa pagtanggap ng rewards. Puwede kang pumunta sa "Settings" sa iyong account para magdagdag/mag-update ng credit card information mo. 30–60 araw pagkatapos mag-check out mula sa stay mo, ilalagay namin ang reward sa card mo. Wala pang account? Gumawa rito.

      Gumawa ng account

      Kung ibibigay ang reward mo bilang travel credit sa iyong Booking.com Wallet:

      Kailangan mo lang ng Booking.com account. Dapat tugma ang email address sa account mo sa ginamit mo sa pag-book gamit ang iyong reward offer. Pagkatapos mong mag-check out mula sa stay mo, ilalagay namin ang reward amount sa Booking.com Wallet sa account mo. Wala pang account? Gumawa rito.

      Gumawa ng account

      Kung instant discount ang reward mo:

      Kailangan mo lang piliin ang "Magbayad ngayon" sa bahagi ng kung kailan mo gustong magbayad. Automatic na gagamiting discount ang reward mo sa presyo ng iyong booking. Sa ngayon, hindi nag-aalok ang lahat ng accommodation ng option na "Magbayad ngayon." Kadalasang sinusuportahan din ng mga accommodation na nag-aalok ng "Magbayad ngayon" ang ibang online payment method katulad ng iDeal o Paypal. Hanapin ang option na "Magbayad ngayon" sa page ng Huling Details (bago ka mag-finalize ng booking mo).

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Kailan ko makukuha ang reward ko?

      Kung ilalagay sa credit card ang reward mo:

      Sa oras na makabalik ka mula sa trip mo, gagawin ang verification ng reward mo. Puwedeng abutin ng 30–60 araw para matanggap mo ang reward sa iyong credit card. Makakatanggap ka ng confirmation email kapag nailagay na namin doon ang reward mo.

      Kung ibibigay ang reward mo bilang travel credit sa iyong Booking.com Wallet:

      Sa oras na makabalik ka mula sa trip mo, gagawin ang verification ng reward mo. Puwedeng abutin ng 30–60 araw para matanggap mo ang reward sa iyong Booking.com Wallet. Makakatanggap ka ng confirmation email kapag nailagay na namin doon ang reward mo.

      Kung instant discount ang reward mo:

      Gagamitin ang reward mo bilang discount sa presyo ng booking mo kaya mas mababa ang babayaran mo kapag nag-book ka.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Bakit wala pa ang reward ko?

      Kung ilalagay sa credit card ang reward mo:

      Na-register mo na ba ang credit card mo para sa pagtanggap ng mga reward sa iyong account? Maglagay ng Visa, Euro/Mastercard, o China UnionPay card dito (hindi namin sinusuportahan ang American Express bilang credit card sa pagtanggap ng reward payments). Posible ring magkaroon ng delay sa verification ng reward mo. Matatanggap mo ang iyong reward sa loob ng 30–60 araw pagkatapos mong mag-check out sa stay mo.

      Kung ibibigay ang reward mo bilang travel credit sa iyong Booking.com Wallet:

      Posibleng magkaroon ng delay sa verification ng reward mo. Matatanggap mo ang iyong reward sa loob ng 30–60 araw pagkatapos mong mag-check out sa stay mo.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Ano ang mabu-book ko gamit ang aking reward offer?

      Puwedeng gamitin ang reward mo kapag nag-book ka ng accommodation sa Booking.com na lampas sa minimum na gastos na nabanggit sa offer. Hindi ito maa-apply sa mga Booking.basic option, flight, car rental, o airport taxi.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Paano ko malalaman, bago mag-finalize ng aking booking, kung na-apply ang reward ko?

      Depende sa reward mo, makakakita ka ng ribbon kasama ang offer mo sa itaas o ibabang bahagi ng website at/o message o active code sa kaliwang bahagi ng page ng Huling Details kung saan idinadagdag mo ang iyong payment information.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Puwede ko bang gamitin ang reward ko sa mga booking na nagawa ko na?

      Hindi maa-apply nang retroactive ang mga reward. Puwede lang gamitin ang mga ito sa mga bagong booking.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Puwede ba akong gumamit nang higit sa isang reward kada booking?

      Isang reward offer (Refer a Friend offer) lang ang puwede mong gamitin kada booking. Pero, puwede mong pagsamahin ang iyong reward offer at ang Genius discounts at Deals sa aming website.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Ano ang mangyayari kapag nag-cancel ako ng booking ko?

      Kung mag-cancel ka ng booking na nagawa gamit ang offer, hindi ibibigay sa 'yo ang halaga ng offer at hindi mo na magagamit muli ang iyong unique link o code.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • I-type ang unique link sa iyong internet browser. Maa-activate ang reward mo pagdating mo sa aming website at puwede ka nang mag-book tulad nang karaniwan. Pagkatapos mong mag-book, makakatanggap ka ng message sa confirmation email na magko-confirm na makukuha mo pabalik ang pera mo pagkatapos ng iyong stay. Kung gumagamit ka ng instant discount, makikita mo ang discount sa price breakdown.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Paano ko gagamitin ang unique code ko?

      Sa computer o phone mo:

      Maghanap ng accommodation, simulang mag-book, at ilagay ang code mo kasama ang iyong payment details sa page ng Huling Details. Maa-activate ang reward mo at puwede kang mag-book tulad nang karaniwan. Pagkatapos mong mag-book, makakatanggap ka ng message sa confirmation email na magko-confirm na makukuha mo pabalik ang pera mo pagkatapos ng iyong stay. Kung gumagamit ka ng instant discount, makikita mo ang discount sa price breakdown.

      Sa mobile app mo:

      Maghanap ng accommodation, simulang mag-book, at ilagay ang code mo kasama ang iyong payment details sa page ng Huling Details. Maa-activate ang reward mo at puwede kang mag-book tulad nang karaniwan. (Para sa ilang offer, puwede kang sabihan na pumunta sa "Ang coupon codes ko" sa main menu at ilagay ang code mo roon para ma-activate ang reward mo). Pagkatapos mong mag-book, makakatanggap ka ng message sa confirmation email na magko-confirm na makukuha mo pabalik ang pera mo pagkatapos ng iyong stay. Kung gumagamit ka ng instant discount, makikita mo ang discount sa price breakdown.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Kailan ang expiration ng reward ko?

      Babanggitin ang expiration date ng reward mo kapag natanggap mo ang iyong unique link o unique code. Kung nag-expire na ang reward mo, hindi mo na ito magagamit. Madalas kaming nag-aalok ng deals at iba pang nakakatipid na opportunities sa aming website kaya makakapag-book ka pa rin ng stay sa napakagandang presyo.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!
    • Paano kung wala akong credit card para sa pagtanggap ng reward?

      Walang problema. Puwede mo ring i-register ang Mastercard o Visa debit card para sa mga reward mo.

      Nakatulong ba ito sa 'yo? Salamat sa feedback mo!