Mga Guideline sa Pagpapatupad ng Batas
Ang mga operational na Guideline sa Pagpapatupad ng Batas sa data disclosure requests ay naka-address sa mga Autoridad na Nagpapatupad ng Batas na humihingi ng impormasyon mula sa Booking.com tungkol sa kanilang mga customer at/o business partner.
Tandaan, ang anumang tanong sa Law Enforcement Request ay hindi makakatanggap ng sagot. Para sa anumang tanong tungkol sa ibang bagay, makipag-ugnayan sa aming Customer Service Department.
Sino ang responsable sa pangangasiwa ng data disclosure requests?
Bilang owner at operator ng www.booking.com at ng mga Booking.com website at app, responsibilidad ng Booking.com B.V. sa Netherlands ang pamamahala ng lahat ng data disclosure request na may kinalaman sa customer at accommodation partner data sa buong mundo.
Ang Booking.com B.V. ang data controller para sa kahit ano'ng personal data na nakuha mula sa Booking.com online reservation services. Dagdag dito, ang Booking.com B.V. ang contracting partner para sa lahat ng accommodation partner sa buong mundo, puwera lang sa Brazil.
Lahat ng data disclosure requests ay dapat ma-address sa Booking.com B.V. kahit na may local entity ito sa bansa na kung saan hinihingi ang Otoridad sa Pagpapatupad ng Batas. Ibibigay lang ng Booking.com ang data kapag may legal na kaugnayan sa Dutch Law ang data disclosure request para sa Booking.com B.V. Nagkakaroon lang ng exceptions kapag may mga emergency situation.
Makakapagbigay lang ng internal supporting role ang mga local entity para sa kapakanan ng Booking.com B.V. at hindi sila magbibigay ng kahit ano'ng data kahit hingin pa ng Otoridad na Nagpapatupad ng Batas. Dagdag pa rito, walang full access ang mga local entity ng Booking.com sa lahat ng impormasyon na kinukuha mula sa mga online service ng Booking.com.
Impormasyon tungkol sa mga Otoridad na Nagpapatupad ng Batas na matatagpuan sa loob ng Netherlands
Ang mga Otoridad na Nagpapatupad ng Dutch Law na humihingi ng (personal) na impormasyon ay kailangang pumayag sa mga sumusunod na hinihingi:
-
Kailangang may legal na kaugnayan ang request na hinihingi sa Booking.com B.V.;
-
Dapat naka-address ang request sa Booking.com B.V., Herengracht 597, 1017 CE Amsterdam.
Impormasyon tungkol sa Otoridad na Nagpapatupad ng Batas na matatagpuan sa Netherlands
Ang mga Otoridad na Nagpapatupad ng Batas sa labas ng Netherlands na humihingi ng (personal) na impormasyon ay kailangang pumayag sa mga sumusunod na hinihingi:
-
Dapat naka-address ang request sa Booking.com B.V., Herengracht 597, 1017 CE Amsterdam.
-
Kailangang ipasa ang request bilang bahagi ng judicial assistance procedure sa Dutch authorities (sa ilalim ng Mutual Legal Assistance Treaty). Makipag-ugnayan sa iyong national center para sa international legal assistance.
Ano'ng impormasyon ang kailangang kasama sa data disclosure request?
Ibabahagi lang ng Booking.com B.V. ang impormasyon kapag nakuha na ang receipt ng request para sa Booking.com B.V. na may legal na kaugnayan sa Dutch Law. Kasama dapat sa request na ito sa alin mang pagkakataon ang sumusunod na impormasyon:
-
Pormal na pagkakasulat, nakadirekta at naka-address sa Booking.com B.V. Ang request na naka-address sa "Booking.com" o sa "Customer Service ng Booking.com" ay ituturing na hindi valid;
-
May malinaw na basehan para legal basis ng request;
-
Deskripsyon ng mismong tao o legal entity na humihingi ng impormasyon;
-
Pangalan at pirma ng nag-i-issue na authority, badge/ID number ng agent o officer na responsable, email address at direktang contact number;
-
Dapat magbigay ng:
-
Booker email address o reservation number (hindi sapat ang pangalan ng Booker);
-
Pangalan ng accommodation at lungsod o accommodation ID number;
-
Summary ng mismong data na kailangan makuha at kung kailan kailangan ang data;
-
Inaasahang tagal ng pagsagot.
Maging partikular at tandaan na lahat ng data disclosure request ay makatwiran, pantay-pantay, at mahalaga sa kinakailangang layunin.
Ano'ng mangyayari sa isang emergency situation?
Papayag lang ang Booking.com B.V. na gumawa ng exceptions sa normal data disclosure procedure nito kung naniniwala ang Booking.com B.V. na ang emergency situation (tulad ng pag-atake ng mga terorista, matinding kapahamakan o pagkamatay ng isang tao) ay nangyari o puwedeng mangyari kung ang hininging impormasyon ay hindi mabibigay sa inaasahang panahon.
Kailangang mapunan ang sumusunod na requirements para sa Emergency Disclosure Requests:
-
Ipadala ang request sa Booking.com B.V., Herengracht 597, 1017 CE Amsterdam;
-
Ilagay na ang pinapadala mo ay isang Emergency Disclosure Request;
-
Ilagay ang sanhi ng emergency situation (tulad ng matinding kapahamakan o pagkamatay ng isang tao);
-
Kung puwede, sabihin kung sino ang (grupo ng) tao na nasa kapahamakan;
-
Sabihin kung ano'ng impormasyon ang kailangan at kung bakit ang pagbibigay ng data ng Booking.com ay (makakatulong) makakapigil sa pagkakaroon ng emergency. Mas maganda kung magiging detalyado ka rito; at
-
Isama ang full contact details at signature ng nagpapasa na law enforcement officer, kasama na ang kanilang direct phone number.
Importanteng Konsiderasyon
-
Hindi pinapayagan ang Booking.com Customer Service Team na magbigay ng kahit ano'ng impormasyon sa telepono o email na hindi kasama sa prosesong nabanggit sa mga Guideline sa Pagpapatupad ng Batas na ito.
-
Hindi sasagutin ng Booking.com B.V. ang mga tanong na ipapadala sa corporate/personal email address ng aming mga empleyado.
-
Sasagutin lang ng Booking.com B.V. ang Law Enforcement Requests alinsunod sa mga Guideline sa Pagpapatupad ng Batas na ito.
-
May striktong proseso ang Booking.com B.V. para sa proteksyon ng payment card data. Sa pangkalahatan, nakatago ang credit card details at hindi na mababasa pagkaraan ng 10 araw pagkatapos magawa ang reservation.
-
May karapatan ang Booking.com B.V. na ipaalam sa kanilang mga customer o accommodation kung may nanghihingi ng kanilang personal data, puwera na lang kung may batas na nagbabawal sa pagpapaalam nito.
Gumawa ng official law enforcement request