10 Karaniwang Tanong

Kasama sa presyo ang lahat ng facility na nakalista sa ilalim ng kuwarto o uri ng accommodation. Makikita mo rin kung kasama ang ibang bagay katulad ng almusal, taxes, o service charges kapag nagkumpara ka ng iba't ibang option na ibu-book. Pagkatapos mong mag-book, makikita rin ang impormasyong ito sa iyong confirmation email pati na kapag tiningnan mo ang mga booking sa iyong account.
Kailangan ang valid credit card upang tiyakin ang iyong reservation sa karamihan ng mga hotel. Nag-aalok kami ng kaunti ngunit lumalaking bilang ng mga hotel na tumatanggap ng iyong reservation nang walang credit card. Maaari ka ring mag-book gamit ang card ng ibang tao basta't may permiso ka niya. Sakaling ganoon nga, mangyaring banggitin sa kahon ng ‘Mga Special Request’ ang pangalan ng may-ari ng card at sabihin din na binigyan ka niya ng permisong gamitin ang card nang isagawa mo ang booking.
Ipapakita ang confirmation page pagkatapos mong makumpleto ang proseso ng booking. Padadalhan ka rin ng kopya ng confirmation email na ito. Kasama sa confirmation ang reservation details mo, pati na booking number at PIN code. Ang booking number at PIN code mo ay kailangan lang kapag makikipag-ugnayan ka sa Customer Service. Puwede mo ring ma-access online ang iyong confirmation, makita ang detalye ng reservation, o baguhin ang booking mo anumang oras sa pamamagitan ng pag-sign in sa account mo. Kung wala kang account, puwede kang gumawa rito.
Oo, madali lang. Puwede mong i-cancel o baguhin ang booking mo sa pamamagitan ng pag-sign in sa account mo. Kung wala kang account, puwede kang gumawa rito. Tandaan na tingnan ang cancellation policy ng accommodation bago gumawa ng anumang pagbabago sa booking mo. Ang mga hindi refundable na kuwarto at iba pang special deal ay maaaring may ibang cancellation policy. Nasa tabi lang ng room type sa ilalim ng column ng ‘Mga kondisyon’ ang impormasyon para sa pagkansela ng partikular na kuwarto.
Ang PIN code mo ay ang 4-digit number sa iyong booking confirmation, na kumbinasyon ng iyong booking number, at nakakatulong sa amin para madali kang makilala kapag nakipag-ugnayan ka sa Customer Service.
Kung mayroon kang tanong tungkol sa property bago ka mag-book, mangyaring tingnan ang impormasyon sa "Mga Patakaran" at "Mga Pasilidad" ng property na iyon sa aming website. Kung hindi mo makita ang sagot doon, makipag-ugnayan sa Customer Service sa pamamagitan ng telepono o email. Ikalulugod naming ipadala ang tanong para sa iyo.
Matapos na makapag-book ka, ang lahat ng mga detalye ng property ay makikita sa online booking confirmation. Nasa confirmation email din ang impormasyon ito, at makikita sa Ayusin ang Booking. Nasa Booking.com mobile app din ang impormasyong ito.
Kapag inilagay mo ang iyong mga petsa, ipapakita ang mga available na accommodation at ang mga rate ay nakalista rin. Maaaring magkaroon ng magkaibang rate ang parehong uri ng accommodation, at ang presyo ay nakadepende sa dami ng taong tumutuloy doon, kung kasama o hindi ang almusal, at kung puwedeng kanselahin o hindi ang reservation.
Iba-iba ang proseso ng pagbabayad para sa iyong paglagi, depende sa hotel at sa uri ng kuwarto. Maaari mong malaman kung paano ka sisingilin sa 'Mga Patakaran ng Hotel', na matatagpuan sa deskripsyon ng kuwarto sa ilalim ng 'Mga Kondisyon' at sa iyong booking confirmation.
Hindi humihingi ng paunang bayad o deposito ang karamihan sa mga hotel. Subalit kung gayon, makikita mo ang mga detalye sa 'Mga Patakaran ng Hotel' sa pahina ng hotel sa Booking.com at sa iyong confirmation email.
Makikita mo ang impormasyon tungkol sa mga extrang kama at crib para sa mga bata sa "Mga patakaran" sa property page kapag nag-book ka.
  • Ang dagdag na bayad sa mga bata, kung mayroon man, ay hindi kasama sa presyo ng reservation.
  • Kapag gumawa ka ng booking, puwede kang mag-request ng extrang kama o crib para sa isang bata sa "Mga Special Request" na box.
  • Kung gumawa ka na ng booking, puwede ka pa ring mag-request ng extrang kama o crib gamit ang link na ibinigay sa booking confirmation email.
  • Pinapayuhan ka naming kontakin ang accommodation bago ka dumating para masiguradong may available silang extrang kama o crib. Makikita mo ang kanilang contact details sa confirmation email at kapag tiningnan mo ang iyong mga booking sa account mo.

Loading...